Kahirapan
Ano nga ba ang kahirap?
Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan
ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi.
Ano ang mga uri ng
Kahirapan?
Ang absolutong kahirapan ang kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o
pamamaraan upang makayanan o makapagdulot magkaroon ng payak o basikong mga
pangangailangang pantao, katulad ng malinis na tubig o naiinom na tubig, nutrisyon, pangangalagang
pangkalusugan, kasuotan, at
tirahan.
Ang relatibong kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga
mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa ibang mga tao sa loob ng
isang lipunan o bansa, o kapag inihambing sa mga karaniwang bilang sa buong
mundo.
Alam naman nating lahat diba na Kahirapan ang
napakalaking problema na kinakaharap n gating bayan. Madalas nating sinisisi
ang pamamalakad ng pinuno ng ating bansa, pero sila nga ba talaga ang may kasalanan o tayong?
Kung ating pagnilayan ay masasabi nating
kasalanan ng pinuno ng ating bansa ang kahirapang nararanasan sa bansa kung
tayng mga Pilipino ay nagtatrabaho at nagbabayad ng tamang buwis. Pero pag tayo
nga ay nagpapasarap, di nagtatrabaho at di makabayadng maayos sa buwis aba’y
labas na ang pamahalaan diyan.
Paano tayo makakaahon sa kahirapang nararanasan
kung palagi nalang tayong nagsasabing “naghihirap kami” pero walang ginagawa
upang makawala sa kahirapan?
May mga
iba’t ibang rason kung bakit naghihirap tayo. Ang mga halimbawa nito ay ang:
CORRUPTION - Ang
pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno.
Ito ang pinakamalupit at talamak na dahilan ng paghihirap ng bayan. Ang mga pera na para sana sa kapakanan ng taong bayan ay napupunta lang sa bulsa ng iilan na mga may kapangyarihan sa pamahalaan. Ito ay maituturing na kanser sa lipunan.
Ito ang pinakamalupit at talamak na dahilan ng paghihirap ng bayan. Ang mga pera na para sana sa kapakanan ng taong bayan ay napupunta lang sa bulsa ng iilan na mga may kapangyarihan sa pamahalaan. Ito ay maituturing na kanser sa lipunan.
IMPERIALISMO- Ang
pananakop ng ilang bansa noong mga nakaraang panahon tulad ng Espanya, Hapon at
US na nagpahirap sa Pilipinas. Mga dayuhan na nag iwan ng mga mali o masamang
impluwensiya at kultura sa bansa. Ang patuloy na pakikialam o pagdikta ng
US sa pamalaan ng Pilipinas. Masasabing ang mga tulong pinasiyal ng mga malalakas
na bansa sa Pilipinas ay isang suhol upang mapaikot at madiktahan ang
pamahalaan. Mga pera na hindi naman napupunta sa mga tamang proyekto kundi
nahuhulog din sa bulsa ng korapsiyon. Mga perang suhol upang mapalakas ang
kanilang mga pansariling layunin na nagbabaon sa kahirapan ng Pilipinas.
PYUDALISMO
(FEUDALISM)- Ang pagmamay ari ng iilang mayayaman sa
mga lupaing sakahan.
Nang ipatupad ang Agrarian Reform program hindi ito lubusang naipatupad ng pamahalaan. Dahilan na ang nag mamay ari ng malalaking lupaing sakahan ay pagmamay ari ng mga makapangyarihan sa lipunan at gobyerno.
Nang ipatupad ang Agrarian Reform program hindi ito lubusang naipatupad ng pamahalaan. Dahilan na ang nag mamay ari ng malalaking lupaing sakahan ay pagmamay ari ng mga makapangyarihan sa lipunan at gobyerno.
Ano ang epekto ng
kahirapan sa kalusugan?
Nang
dahil sa kahirapan, rumarami na ang mga bata na palaboy-laboy sa lansangan.
Walang nakakaing malinis, walang matirhang maayos at minsan pa nga’y wala
talagang makain. Alam naman natin na
masama sa katawan ang maruruming pagkain, at di maganda sa katawan kung wala
kang kinakain dahil ikaw na mismo ang kinakain ng katawan mo kung di mo ito
pinapakain sapagkat ang acid na pinoproduce ng ating tiyan ay may
kakayahang tumunaw ng sariling laman
kung di ito nalagyan ng makakain sa sumusunod na oras.
Ano ang epekto ng
kahirapan sa edukasyon?
Kung edukasyon na ang
pag-uusapan, ito talagay nangangailangan ng suportang pinansyal. Malaking epekto ang mararanasan sa edukasyon
pag tayo’y naghihirap, di natin matutugnan ang mga proyektong nangangailangan
ng bagay na bibilhin pa, di makaili ng uniporme , kung tayo’y pumapasok sa
kalayuang paaralan, wala tayong pambayad ng pamasahe, pambayad sa expenses sa
skwela gaya ng PTA at kung ano pa.
REFERENCES: